Paano ito gumagana
Ano ang “epal” dito?
Anumang bagay na ipinapakita ang pangalan, mukha, initials o kulay ng isang pulitiko sa publiko: tarpaulin at poster (kasama ang “Happy Birthday/Fiesta/Graduation”), billboard, ayuda o relief pack, karatula ng proyekto o pasilidad, sasakyan, at mga sponsored na event.
Hindi lahat nito ay ilegal. Bago ang opisyal na campaign period, karamihan ay pinapayagan pa. Kaya hindi kami naglalagay ng label na “ilegal” o “paglabag”: ipinapakita lang namin kung ano ang nakita, saan at kailan.
Paano sinusuri ang bawat report
- Walang lumalabas nang hindi muna tinitingnan ng aming team.
- Tinitingnan namin kung malinaw ang litrato, kung tama ang opisyal, at kung hindi ito kopya ng ibang report.
- Hindi namin inilalabas ang litratong may malinaw na mukha ng ordinaryong tao, bata, o plate number.
- Ang lokasyon ay mula sa litrato mismo (kung naka-on ang location ng camera) o pinin ng nag-report. Makikita sa bawat report kung alin.
Privacy ng nag-report
Hindi namin ipinapakita kung sino ang nag-report. Tinatanggal namin ang lahat ng metadata ng litrato (kasama ang uri ng phone) bago ito i-save. Ang email o number na ibibigay mo ay para lang sa aming mga tanong.
Ranking
Ang ranking ay bilang ng nasuring litrato bawat opisyal. Hindi ito sukatan ng gastos o ng paglabag. Maaaring may ilang tarpaulin sa isang litrato, at mas maraming report sa lugar na mas maraming gumagamit ng site.
Para sa mga opisyal at kanilang kinatawan
Kung may maling pangalan, lugar o litrato, sabihan kami sa report form ng Pilipiknow at ilagay ang link ng report. Sinusuri namin ang bawat hiling at inaayos o tinatanggal ang mali.